Itago nalang naten siya sa pangalang MAKI or MAKITOTZ.
ANG AMING USAPAN.
Makitotz: Mukha ba akong masaya sa buhay ko?
Ako: Mukhang okey ka naman.Meh matino kang trabaho at nakakagala at nakakapag inuman ka pa sa mga barkada mo.MASAYA ka naman siguro.
Makitotz: Pero matamlay lovelife ko
Ako: Hanap hanap din kasi.Marami naman jan oh.
Now the FISH TALK starts.
Ako: (pagpapatuloy...) there's a lot of fishes in the ocean.
Makitotz: Pero meh nakahuli na sa isdang gusto ko.
Ako: eh di manghuli ka ng ibang isda.
Makitotz: eh gusto ko talaga yung isda na yun eh
Ako: eh bakit ka magtiyatiyaga sa isda na yun.kung pede ka naman manghuli ng iba.malay mo mas magandang klaseng isda pa mahuli mo.
Makitotz: eh mukhang wala naman akong mahuli eh.
Ako: di mo pa nga sinusubukang mamingwit.Paano ka makakahuli niyan kung di ka makaget over sa isdang nahuli na ng iba.
Makitotz: pero di ko gusto ung mga isdang lumalapit eh.gusto ko ng magandang klaseng isda.
Ako: Anong klaseng isda ba hanap mo?Ang choosy mo kasi.kaya wala kang nahuhuling isda.
Makitotz: hindi rin. baka ayaw lang talaga nila saken.
Ako: kasi ganito yun.Baka naman kasi naghahangad ka makahuli ng balyena tas ang gamit mo ordinaryong pamingwit lang.gamitan mo kaya ng BONGGANG lambat.Malay mo mahuli mo yung gusto mong isda.Yung magandang klaseng isda.IT'S ALL ABOUT THE EFFORT.
(yung isdang gusto ni maki,KULAY PINK)
(si Makitot nagbabakasakaling makahuli ng ISDA!)
OH DIVAAHHHHH...PURO ISDA LANG..Bwahahaha..andame kong tawa sa tuwing naaalala ko to.Napaisip tuloy ako bakit ba kasi biglang "fishes in the ocean" ang naging segway ko.Yan tuloy.But it makes sense,right?