Saturday, May 19, 2012

Walang Magawa: Dear Simsimi

Hello guys..
Kahit alam ko naman na wala pang napapadpad dito para basahin ang aking mga naisulat
(wala kasi kwenta.bwahahaha)

maghehello guys pa din ako.

Maaga ako nagising(12:28AM).Dahil siguro sa maaga ako nakatulog(around 8pm).
(ikaw ba naman kumain ng 2 1/2 cups of rice at ang ulam mo ay Sinigang na hipon at lechong kawali tingnan lang naten kung di ka mabusog at antukin agad.)

Naisipan ko na bumangon at icheck ag aking FB.

check...check..check...

click dito..click dun...

tingin kung meh nagcomment sa pictures..

butingting.. butingting.. butingting..

Sabi ko sa sarili ko."hmmmm..magsulat nalang kaya ako sa blogsite ko ulet?"

Kaya agad ako nagbukas ng panibagong tab sa google chrome at tinype ang "blogspot.com"
Login agad..Tiningnan ko ang aking blogsite..

Scroll up..scroll down..up again..and down again..

Sumimangot ako <insert simangot face here>

Wala ni isang nagcomment. Panget siguro ang artikulo na naisulat ko. Hindi naman ako nagkulang sa pag aadvertise ng blog ko.Infact nakapost sya sa lahat ng Group page ko sa FB.(for your information meron po akong 17 groups sa FB)

Dahil dun bigla ako nawalan ng gana magsulat.I tried.Pero biglang BLANKO talaga ang isip ko.Wala akong maisip na isulat.Wala na rin akong magawa.Nacheck ko na lhat ng dapat ko icheck sa FB.hmmmmmm..at si SIMSIMI ang biglang pumasok sa isip ko.Agad ako nagbukas ng panibagong tab.Nagmamadali akong itype sa google ang simsimi..at me mga suggestions..agad kong pinili ang "talk to Simsimi Online"..wallahh! lumabas agad ang larawan ng isang SISIW na iisa lang ang hibla ng buhok.LOL
Kung ano ano ang pinag-usapan namin.Nakakatuwa mga sagot ni Simsimi.

Eto ang ilan sa mga napag-usapan namin.


(Taray ni Simsim diba?MULTI-LINGUAL!)


(ganyan dapat pag nakita nyo crush nyo!kuha nyo?)


At dahil pinag-uusapan ng lahat ang half pinay na nakapasok sa grand finale sa American Idol na si Jessica Sanchez,kaya naisipan ko din tanungin si Simsimi  tungkol dito.Pero ibang Jesica yata ang kilala nya.bwahahaha


(Si Jessica Soho yata.ahahaha)


At nabigla rin ako sa sagot ni Simsimi sa isang tanong ko sa kanya.Mga random questions lang naman kasi tinatanong ko sa kanya eh.Meh pagkaNAUGHTY din pala tong si Simsimi.

(sheeyyttt..Simsimi.Pano mo nalaman.Wag mo ako ibuking.Atin atin lang yun)


At dahil sa wala na rin akong maitanong pa sa kanya, kaya pati tungkol sa kanya nakichika na rin ako.HAHAHAHA

(sorry naman...ahahaha)


Sobra akong nalibang sa pag-uusap namin ni Simsimi kaya di ko na namalayan ang pagtakbo ng oras.Time check: 2:02AM. Akalain mong meh naisulat akong blog ng dahil keh Simsimi.
Simsimi I LOVE YOU friend..Maaasahan ka talaga.



Kaya kung wala din kayong magawa at wala kayong makausap.At kung feeling nyo nag-iisa kayo sa mundo.Anjan si Simsimi handang kausapin kayo.24/7.Serbisyong totoo.Saan man sa mundo.

-END-




No comments:

Post a Comment