Tuesday, May 22, 2012

Visiting Teacher's Pwet.

Baguhan pa lang ako sa pagbloblog.Ang totoo nainggit lang ako sa kaibigan kong si Rhauj na isa ring blogger.Kaya nakigaya na rin ako.Feeling ko kasi parang antalitalino ng mga taong nagbloblog.Kaya nakigaya na rin ako para masabi din ng iba na matalino ako.LOL

Inggitera lang diba?? Ay mali..ehem..ehem..INGGITERO pala..hahaha..charaught..
(Mas betchina ko ang kulay PINK na kulay para sa part na to.lakas makaLALAKE eh.LOL

kahit papano naman meh mga naisususlat naman akong mga artikulo at malaya kayong lahat na basahin eto.

Sabi ko sa sarili ko "SHET,kelangan english para KAVOGUE!". Kaya ayun, ISIP ISIP..MALALANG PAG-IISIP. As in nagka-internal hemorrhage ako at feeling ko any time lalabas ang dugo sa ilong ko..Hala isip,type,isip,type ulet.

Tapos tiningnan at binasa ko din ung mga entry ng ibang bloggers.Na-amaze ako.Ang gagaling nila.Sabi ko, "SHET,anong sinabi ko sa english nila.". Palipat-lipat ako ng blogsite.Basa tapos lipat naman sa iba.

Hanggang sa napadpad ako sa sa mundo ni MOTMOT. (hindi po eto yung lugar na malamig na pinupuntahan ng mga magjowa at ng mga taong kating-kati.). Screen name nya yata to.

eto lang nasabi ko nung una kong nakita ang blogsite nya.."BLOGSITE ba to? O ONLINE COMICS?"




Promise..yun talaga ang biglang naisip ko..Mas marami kasing larawan kesa sa teksto.Pero agad ko nasabing "ANG COOL NITO AH"..

Sobrang kulay ng mundo ni MOTMOT.Like litereal na makulay. Ang kyukyut ng mga larawan.At take note,sya lahat gumuhit at gumawa nun.San ka pa? (Talented si mamang.SWEAR!) Infact, avid fan nya na ako.Ayssoooowwwssss..napuyat ako sa kakabasa at kakatingin sa blogsite nya.At sumakit ang tiyan ko kakatawa. Stress reliever ang blogsite nya. As in matutuwa talaga kayo.Tatawa kayo ng VONGGANG VONGGA!

Sa pagbabasa ko sa kanyang blog,napag-alaman kong totoong teacher pala talaga tong si MOTMOT sa mababang paaralan. Hindi ko maimagine kong gaano kababa ang paaralan kasi dun sa blog nya,namention nya na lage binabagyo yung paaralang yun at nasira. Imagine,binagyo tapos nasira.Malamang binaha yun. Kung binaha man,ayyyy sheeettttt..mababang paaralan nga yun.LOL

Sikat na karakter sa kanyang blog si MUDRAX (nanay nya na imbentor ng bagong lyrics ng mga sikat na kanta ngayon tulad ng kanta ni Adelle).Never find someone like yoooohhhhhhhhhhhhh..ahahaha..Eto yung nanay ni Motmot na ginawan nya ng sariling karakter sa blog nya.In all fairness,meh future si mudrax.Andameng follower ng kwento nya.Sinusubaybayan kung baga. At napakashowbiz nitong si mudrax ni motmot dahil gusto nya gayahin ang look ni MAJA SALVADOR lang naman sa local showbiz, at RHIANNA naman sa hollywood.OH DIVA? ANONG SAY MO TEH?

anyways,andame ko nang naikwekwento.mas okey na kayo na mismo ang tumingin at bumisita sa blogsite nya.Kasi hindi pwedeng ikwento lahat dito.Sa dame ba naman ng entries nya dun.naku.mapapagod ako sa kakachika sa inyo.

Basta sya bago kong IDOL ngayon..ahahaha..kaya nga kating-kati ako ifeature sya sa blog ko diba.At dahil jan bibigyan kita ng napaka-prestihiyosong award----LG's (short for eLGimikero) Choice Award.LOL.



eto yung link ng blog nya http://motsmots.blogspot.com/

4 comments:

  1. maraming maraming maraming salamat LG! pag nagtagal, dadami rin yang followers at views mo. tyaga lang..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa encouragement ser...bwahahaha..sana nga..wheeee :)

      Delete
  2. nakakatuwa nga yong blog ni motmot. very child friendly, hehe. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu nga eh..ahahaha..hongkyukyut ng mga drawings..wheeee..

      Delete